INANG BAYAN

Inang Bayan na madaming hirap na pinagdaanan: unos, trahedya, digmaan, pananakop, disgrasya, pagmamalupit, rebolusyon at sakit ngunit nanatiling matatag na nakikipaglaban upang muling makabangon at umangat.

Madaming mga Bayaning nakipaglaban at nanindigan subalit hanggang ngayon mukhang hindi pa rin nakakamit ang tunay na Kalayaan at Pagbabago sa ikakabuti nito. Bakit nga ba sadyang mailap makamtam ang pagunlad sa ating Bayan? Ito ang aking personal na dahilan na nakikita ukol dito :

(1) Walang Pagkakaisa.

     Lahat ay may sariling opinyon ( tila walang gusto makinig sa bawat mungkahi), lahat may pinaglalaban, lahat may hinaing at lahat may reklamo, kanya kanyang motibo at agenda.

* Pagbigyan ang bawat isa na mapakinggan, magpakumbaba kung kinakailangan at isang tabi ang pansariling nais para sa ikakabuti nang hindi lamang ng iilang tao o partido o grupo. Pang-kalahatang kapakanan na walang pinipiling estado sa buhay, mahirap man o mayaman dapat lahat pantay pantay. Ang pag-angat ng bansa ay pagunlad nating lahat. Huwag tayong maghatakan pababa, magtulungan tayong i-angat ang bawat isa. *

(2) Talamak na Korupsyon.

    > Nagsimula sa pinakamababang ahensya ng gobyerno, patungo sa mga sangay nito, parte ng lokal hanggang sa national na pamahalaan. Nagsisimula sa barangay hanggang sa kataastaasan. Sa barangay pa lang o sa lokal na pamahalaan, masabi lang na may  proyektong pinagawa kahit walang maayos na plano para makakuha lamang ng malaking pondo at may makitang nagawa sa termino ng namamahala o namumuno. Hindi na iniisip ang pangkalahatang makikinabang at magagamit ng pang-matagalan at hindi pansamantala lamang.

* Gamitin ng maayos at tama ang bawat pondong ginagawa dahil pinaghirapan iyan ng mga Mamayang nagsusumikap sa buhay at nagbabayad ng karampatang buwis na kontribusyon sa pagunlad at pagusad ng ating Bansa. *

     > Ang mga namumuno at ang mga nagpapatupad ng Batas ay sila pa mismo ang mga kasabwat sa mga katiwalian sa Lipunan. Kaya mga Taongbayan hindi na alam kung sino ang dapat takbuhan at pagkatiwalaan.

     > Sa laki ng nakalaan na pondo sa bawat sangay ng Gobyerno, subalit tila kulang at hindi ramdam ang pagbabago at pagpapatupad ng  maayos na serbisyong publiko. Ang kakulangan sa Pangkalusugan, Edukasyon, Pabahay at Trabaho ay mukhang mabagal na natutugunan.

     Kagaya nalamang sa pampublikong Pagamutan, kulang na pasilidad, kulang sa mga Doctor at mga Nurses, kulang o minsan o kadalasang walang gamot at gamit. Kaya kapag pumunta sa pampublikong Ospital ramdam na ramdam ang kahirapan ng buhay.

     Programa sa Edukasyon, hindi pa man din napupunan ang kakulangan sa maayos na silid-aralan, kakulangan sa makabagong kagamitan upang i-angat ang antas ng Karunungan pati na ang kakulangan ng mga magagaling na Guro. May parte pa rin ng Bansa na  kulang o salat pa din sa maayos na eskwelahan. Subalit ang tinuunan ng pansin ang paggawa o pagsulong ng isa pang pagbabago na hindi pa handa ang lahat kapag pinatupad ito. Maganda ang idudulot ng pag-angat sa antas at pagpapalawak ng Kaalaman ngunit punan muna ang pangunahing pangangailangan at bigyan ng lihitimo at maayos na solusyon ang mga dati ng kakulangan bago magpasa ng iba pang makakatulong sa pag-taas sa kalidad ng Edukasyon. *

* Ito ay ilan lamang sa mga programang dapat ayusin sa dami pang programang dapat lutasin at pagtuunan ng pansin. *

(3) Namamayaning Politikal at nakalimutan ang sinumpaan na Tungkulin sa Bayan.

     Kanya-kanyang partido sa halalan, magkakaibang plataporma na punong-puno ng pangako sa maayos at tapat na serbisyo publiko at mga pagbabago, ngunit ng nakaupo na sa pwesto nakalimutan na lahat ito.

* Hindi kailangan maging politiko upang makatulong sa Kapwa-tao at upang makatulong na makamit ang totoong Pagbabago. *

     Ang ibang politiko ang tina-trabaho ay bantayan ang kapwa politiko ( lalo na kapag hindi ka-partido sa pulitika ) upang antayin pumalpak at magkamali ito, para ipaalam sa tao na mali ang binoto. Kung talagang may malasakit sa Bayan dapat nakikipagtulungan sa bawat pagkukulang at kamalian upang gawing tama at wasto ang bawat kailangang pagtugon sa bawat problema na dapat mabigyan ng nararapat na solusyon.

* Magtulungan para sa Pagbabago at Pagunlad at hindi ng pagkakawatak-watak. *

(4) Walang Kaayusan.

   Paano susunod ang mga tao sa pinapatupad na Ordinansa at Batas kung ang nagpapatupad nito ay ang unang lumalabag at hindi sumusunod dito. Mga regulasyon na pinapatupad sa Bansa ay dapat ipatupad ng maayos at nararapat, hindi lamang namimili kung kanino ipatutupad.

* Huwag na antayin na may mag-buwis ng buhay o may masaktan o may mawalan upang ayusin ang dapat pinapatupad na naaayon at ligtas. Mga trahedya nagaganap maaaring maiwasan kung tuwid na patakaran ang pinapatupad sa lahat. *

(5) Hindi pagsunod  sa pinapatupad na alituntunin at mga pinaguutos na batas.

     Nakalagay na sa Babala : ” Bawal magtapon ng basura dito ” [ pero dito makikita ang tambak na mga basura ] ; ” Bawal magbaba at magsakay at pumarada ” [ pero dito makikita ang nakatambay na mga pasahero at nakaparadang mga sasakyan ]. Mga simpleng pinaguutos para sa kaayusan sa  kalsada at bangketa ngunit hindi napapatupad at hindi nasusunod ng maayos.

   Sobrang pag-baha sa lansangan meron man na pagkukulang ang Pamahalaan upang isaayos ito, pero huwag naman lahat i-pasa sa Gobyerno. Huwag lamang puro reklamo dapat may gawin tayo makatulong at dapat magsimula sa sariling bakuran at komunidad.

* Hindi din balakid ang kahirapan upang makamit ang Kaunlaran. Huwag i-pasa o sisihin ang Pamahalaan sa kahirapan ng buhay. Kailangan din tulungan ang sarili upang umasenso at hindi laging umasa na lang sa i-tutulong ng Gobyerno. *

* Hindi kakayanin ng isang Administrasyon na mabago at mapunan lahat ng problema at depekto kinakaharap sa kasalukuyan. Hindi agad mabibigyan lahat ng solusyon at madaming taon pa bibilangin upang makamit ang pagbabago na dapat na simulan Ngayon. Kaya dapat maging matalino sa pagpili ng mamumuno na may totoong Malasakit sa ating ” Inang Bayan “.

* Naniniwala ako sa tuwid na daan ngunit mabagal ang  pag-andar *

||  ” Inang Bayan ” ating pag-ingatan dahil siya ang ating tunay na Tahanan .  || 2015

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s